Gaano ba kaimportante ang boto mo?

Tuwing may botohan, parati ko na lang naririnig yang exercise your right to vote. Una malamang dahil tuwing eleksyon lang kailangan yan pero nakakapagtaka lang na tulad ng mga nahahalal na naalala lang ang mga mamamayan kapag botohan, naaalala lang din ng mga mamamayan ang responsibilidad nila habang may halalanan.

 

Nakakapagtaka na isinisigaw ng sambayanan na kami ang mamamayang Pilipino at ang pagboto ay aming responsibilidad. Nakakatawa dba? Kasi iyon lang ang responsibilidad nilang gusto gawin. Yung ibang nakakaapekto sa pang araw-araw nilang pamumuhay, nakakalimutan nila. Akala nila iyon lang ang responsibilidad nila bilang Pilipino. Sabagay, iyon lang kasi ang pwede i-share sa facebook.

 

Hindi mo rin naman sila masisisi, ang pagsabing pagboto ang pinakamadaling daan upang ipakita sa ibang tao na responsable kang mamamayan. Ano ba naman ang pagtayo sa maghapon para bumoto kumpara sa araw-araw na pagtawid sa tamang daan? O kaya naman ang pagkuha ng lisencya sa tamang paraan? Hindi ba’t nakapadali noon kumapara sa humanap ng tamang basurahan? O kaya naman ay hindi mandaya sa mga pilahan?

 

Napakaraming responsibilidad ng isang mamamayan, oo, kasama doon ang pagboto, pero hindi iyon nagtatapos doon. Ang gobyerno ang kaagapay ng lipunan pero hindi sila ang dapat responsible sa mga nangyayari sa atin. Tayo, tayo ang responsable sa ginagawa natin.

 

Hindi lang sa pagboto nakikita ang pagiging tunay na Pilipino. Kung gusto talaga natin ipakita na tayo ay modelo sa pagiging makabayan, hindi lang sa pagboto makikita yun. Nagagawa din yan sa pagtawid sa tamang tawiran, sa hindi pagtatapon ng kalat sa daan, sa pagrespeto sa traffic rules, hindi paglalagay sa mga empleyado ng gobyerno. Iilan lang yan sa mga bagay na pwede natin gawin bilang Pilipino upang ipakita na mahal mo ang bansa mo, pero pupusta ako na sa dami ng bumoto ngayong araw na ito, hindi lahat yan ginagawa nila. Pero hindi naman kasi natin nakikita eh, kaya wala silang pakiaalam na ginagawa nila yan. Ang pakialam lang nila ay yung mga bagay na nakikita ng iba.

 

Nakakahiya na ganyan ang mga Pilipino, magaling lang kapag may nakatingin, pero kapag wala ng nanonood, wala na rin gagawin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: